Visa exemption sa PH gov’t officials sa Japan, kasado na!

Visa exemption sa PH gov’t officials sa Japan, kasado na!

February 10, 2023 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon na ng visa exemptions ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas kapag papasok ng Japan ayon kay Prime Minister Fumio Kishida.

Base sa  joint statement ng Japan at Pilipinas na ipinalabas ng  Embahada ng Japan, inanunsyo ito ni Kishida sa Summit-level Working Dinner  kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Huwebes ng gabi, Pebrero 9.

“Prime Minister Kishida announced visa exemption mainly for Philippine government officials,” ang nakasaad  sa joint statement.

“President Marcos welcomed Japan’s announcement and expressed his hope to build upon this momentum to further facilitate people-to-people exchanges between the two countries,” dagdag na wika nito.

Hindi pa masabi kung kailan magiging epektibo ito.

Si Pangulong Marcos ay nasa Tokyo para sa kanyang 5-day official visit kung saan may 35 investment deals hinggil sa  imprastraktura, enerhiya, manufacturing, at healthcare ang tinintahan sa pagitan ng dalawang gobyerno.

Nakatakdang bumalik sa bansa ang Pangulo sa araw ng Linggo, Pebrero 12. Kris Jose