Visa-free entry ng mga Pinoy sa Taiwan gugulong ‘gang Hulyo 2023

Visa-free entry ng mga Pinoy sa Taiwan gugulong ‘gang Hulyo 2023

September 29, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Simula ngayong Huwebes, available na sa mga Pilipino ang visa-free travel sa Taiwan, ayon sa ulat, batay sa Bureau of Consular Affairs (BOCA).

Sa ilalim ng scheme na matatapos sa Hulyo 31, 2023, pwedeng manatili ang mga Pilipino sa Taiwan hanggang 14 araw.

“Nationals of Philippines (effective till July 31, 2023), except those holding diplomatic or official/service passports, are eligible for the visa exemption program, with a duration of stay of up to 14 days,” pahayag ng BOCA sa website nito.

Saklaw ng visa-free privilege ang mga aktibidad na hindi nangangailangan ng permit gaya ng pagbisita sa mga kaanak, pagdalo sa social events, turismo, fact-finding missions at international exchanges.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang BOCA website.

Isinama ng Taiwan ang mga Pilipino sa visa-free policy sa nine-month trial period mula Nobyembre 2017 hanggang Hulyo 2018.

Taon-taong ini-extend ang scheme subalit naapektuhan ng travel restrictions dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/SA