Visa-free sa Pinoy travelers pinalawig ng Taiwan hanggang July 2022

Visa-free sa Pinoy travelers pinalawig ng Taiwan hanggang July 2022

July 21, 2021 @ 9:17 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Palalawigin pa ng Taiwan ang kanilang trial visa-free entry sa mga Filipino traveler mula Agosto 1, 2021 hanggang Hulyo 31, 2022, batay sa anunsyo ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs (MOFA).

Nakalinya ang naturang hakbang sa “New Southbound Policy” (NSP) sa ilalim ng kanilang MOFA na payagan ang visa-free entry sa mga indibidwal na galing Thailand, Brunei, at Russia.

“MOFA will continue to review and fine-tune visa policy, seeking to strengthen bilateral exchanges and attract more visitors while still ensuring border and public security,” lahad sa pahayag.

Maaalalang sinimulan ng Taiwan na palawigin ang kanilang visa-free privilege sa mga Filipino buhat noong Nobyembre 1, 2017.

“The aforementioned adjustments to and extensions of visa measures for nationals from NSP partner countries and Russia are based on previously existing policies and do not indicate an opening-up of Taiwan to foreign tourists amidst the COVID-19 pandemic,” lahad pa ng ministriya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •