Visa-upon-arrival scheme ng BI iimbestigahan ng Senado

Visa-upon-arrival scheme ng BI iimbestigahan ng Senado

November 21, 2020 @ 4:21 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan ng Senado ang Bureau of Immigration (BI) na bukod sa “pastillas scam” na imbestigahan din ang Visa-Upon-Arrival Scheme na ginagamit din ng sindikato upang kikilan ang dayuhan partikular ang Chinese nationals na gumagamit nito.

 

Sa ginanap na hybrid hearing ng plenaryo sa badyet ng Department of Justice at attached agencies nito, sinabi ni Senador Imee na dapat imbestigahan ang Visa-Upon-Arrival Scheme na responsible sa pagtaas ng bilang nga dayuhang sa bansa.

 

“Aside from investigating the “pastillas” scam, we called on  an investigation on the visa-upon-arrival scheme which spiked the arrival of foreign nationals into the country since 2018,” ayon kay Marcos.

 

Sinabi ni Marcos na sinuspinde nitong Pebrero ang Visa-Upon-Arrival scheme matapos matuklasan ng Senado ang “pastillas scam” pero dapat managot ang sinumang opisyal at tauhan na nakinabang sa naturang pamamaraan.

 

“Since the implementation of visa-upon-arrival, approximately 27,000 foreigners, mostly Chinese nationals, arrived in the country in 2018 and it drastically increased to 110,434 in 2019,” punto ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee .

 

Bago ito suspendihin nitong Pebrero, 19, 192 ang nabigyan ng visa-upon-arrival.

 

 “(BI) is one of the agencies that has had an increase in its budget. Perhaps, in addition to the pastillas scam, the controversial visa-upon-arrival issue should also be investigated by the Bureau,” lahad pa ni Marcos. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...