Visayas, 5 lugar uulanin sa ITCZ

Visayas, 5 lugar uulanin sa ITCZ

July 6, 2022 @ 6:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ang Visayas at limang iba pang lugar ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Miyerkules dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, sinabi ng PAGASA sa pagtataya nito.

Ang iba pang apektadong lugar ay ang Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Palawan.

Sinabi ng PAGASA na maaaring magresulta ang flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ ​​at mga localized thunderstorms.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari sa panahon ng matinding bagyo.

Sumikat ang araw bandang alas-5:32 ng umaga habang lulubog ito alas-6:30 ng gabi. RNT