Visayas, Bicol, MIMAROPA uulanin sa LPA

Visayas, Bicol, MIMAROPA uulanin sa LPA

July 26, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Huling namataan ang low pressure area nitong alas-3 ng madaling araw ngayong Martes sa layong 190 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 340 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Iniulat ng PAGASA na ang Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:38 a.m., lulubog ito mamayang 6:27 p.m. RNT