Visayas, Mindanao uulanin sa Northeast Monsoon

Visayas, Mindanao uulanin sa Northeast Monsoon

January 2, 2022 @ 8:33 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa buong bansa ngayong araw, at magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao, base sa PAGASA.

Maaaring magresulta sa pagbaha o pagguho ng lupa ang pag-ulan.

Samantala, magiging maulap naman ang kalangitan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora at Quezon, na may mahinang pag-ulan.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng bahagya hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains.

Inaasahang magiging moderate to rough ang tubig ng karagatan sa baybayin ng Luzon, Visayas, at sa hilaga at silangang bahagi ng Mindanao.

Sa ibang parte naman ng bansa, slight to moderate naman ang katubigan.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:21 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:39 ng hapon. RNT/SA