MANILA, Philippines – Hands down! Magmula nang nagkaroon ng pandemic at nagsara ang mga sinehan ay pumalo ang Pinoy version ng Netflix na Vivamax.
Hindi inakala ng mga movie experts na tatangkilikin ng Pinoy audience ang online movie streaming ngunit naging matagumpay dito ang Vivamax.
Naniniwala mga ang CEO ng Vivamax na si Vincent del Rosario na adjusted na ang Pinoy moviegoers na manood sa digital streaming.
“When the theaters shut down because of the pandemic, nag-open naman ang isa pang platform which is ang digital streaming.
“Thank God dahil tinanggap naman ito ng Pinoy movie goers kaya hindi na nahirapan ang Vivamax na ipakilala ito sa Pinoy audience,” sabi pa ng Vivamax boss.
Festive nga ang naging celebration ng Vivamax “Summer to the Max” event na dinaluhan ng veteran and new talents ng Viva.
In-announce na rin ng Vivamax ang upcoming movies and series na dapat abangan ng subscribers.
Masaya si sir Vincent sa success ng nasabing streaming platform at nagpasalamat sa lahat ng tumatangkilik ng kanilang mga pelikula.
_