Viva Prime streaming app, magsisimula na; Maid in Malacanang, opening salvo!

Viva Prime streaming app, magsisimula na; Maid in Malacanang, opening salvo!

January 20, 2023 @ 3:55 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – May isa na namang streaming app ang ipanganganak dahil sa January 29, ang Viva Prime ay magkakaroon na ng formal launch. Bale double celebration na rin ito dahil “second birthday” din ng isa pang app ng Viva, ang Vivamax.

Amg multi-awarded concert at film director na si Paul Basinillo, na Chief Marketing and Creative Officer din ng Viva, ang in-charge sa launch.

Ang Viva Prime ay in-envision ng Viva top man na si Boss Vic del Rosario, Jr. as the app apt for the whole family.

FYI, ang blockbuster hit na Maid in Malacañang ni direk Darryl Yal ang Viva Prime’s opening film. Nai-announce na rin ni direk Darryl sa kanyang Facebook page ang paglabas ng MIM sa Viva Prime.

Ang highly-anticipated romantic series na The Rain in España, ay baka maipalabas pa sa March as it’s still in the shooting process.

“Viva Prime is for family content na p’wede ‘yong bata,” sabi ni Direk Paul.

“Parang ‘yong mga pang-film festival, doon lahat ang landing no’n sa Viva Prime. Pero s’yempre, halimbawa, pag nakita natin na ‘yong title, e, p’wede i-release sa cinema, ire-release first sa cinema tapos ang second platform is Viva Prime.

“I think ‘yon ang formula. Kapag p’wede s’ya ng cinema release, ilalabas yan. Si Boss Vic naman ang namimili nu’n, e. So, pag sabihin n’ya, ‘Eto theatrical ‘to.’ P’wede ‘yon.”

Ang Viva film’s library—consisting of movies of Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor, Sarah Geronimo, at JaDine just to name a few—which is now housed on Vivamax, will also be migrated to Viva Prime.

Moreover, he adds that while Vivamax is subscription base, Viva Prime will be advertising based.

“May mga ads s’ya, parang Spotify. Later on, mag- introduce tayo ng mas magagandang plan s’yempre. Pag gusto mo ng ads free, mag-i-introduce tayo ng ads free. Marami pa tayo inaayos, mga bundle [promos]. Marami yan,” sabi pa ni Direk Paul.

Viva Prime is committed to release one new title every week!

May mga upcoming projects ba ang Viva stars—such as Anne Curtis, Nadine Lustre, Bela Padilla and Sarah Geronimo to name a few—for Viva Prime?

“They’re pitching something to Sarah now as we speak.

“Kay Anne din. ‘Yong mga dati na hindi nakakagawa sa Vivamax, I think eto na ‘yong the perfect platform for them para gumawa kasi open na s’ya, e. This is going to be meant for the whole family. So, tamang-tama,” says direk Paul.

Ang Viva Live concerts, which are currently being seen on Vivamax, will also find their new home in Viva Prime. JP Ignacio