Vivamax, tablado kina Loisa at Ronnie!

Vivamax, tablado kina Loisa at Ronnie!

December 15, 2022 @ 11:37 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kapwa tanggap ng magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte na hindi forever na puwede silang magpa-tweetums sa screen.

Kaya naitanong sila kung handa ba silang mag-level up.

Ayon kay Loisa, may mga offers pa naman daw na dumarating.

Asked kung keri nilang gumawa ng daring flicks na may passionate love scenes.

Si Ronnie na ang sumagot: “Vivamax ba ang tinutukoy n’yo? Viva Films, puwede but not Vivamax!”

Ang Vivamax ay sister film company ng Viva Entertainment na kilala sa mga mapangahàs nitong pelikula.

In short, far from wholesome.

Samantala, inamin mismo ni Ronnie that he sees himself marrying Loisa in the future.

Aniya, para ke daw ba at nananatili silang dalawa sa isang relasyon kung hindi naman ‘yun ang goal nila.

Para ngang husband and wife ang peg nila, ayon sa mga mapanuksong showbiz reporters.

May joint account kasi sila dahil na rin sa itinayo nilang cafè business.

Samantala, natukoy na raw ng Bacoor Police ang mga suspect na nambasag ng kanilang naka-park na sasakyan.

Ipinark daw nila ‘yon malapit sa cafè na pinuntahan nila nòong December 1.

Ayon kay Ronnie, mag-iipon lang daw uli sila ni Loisa kung anuman ang tinangay ng mga salarin.

Balitang malaking halaga ng crypto currency ang nanakaw sa kanila. Ronnie Carrasco III