Viy at Cong TV, engaged na!

Viy at Cong TV, engaged na!

November 4, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Finally! Engaged na ang vlogger na si Viy Cortez sa partner nitong si Cong TV!

Ito talaga ang hinihintay ng fans and supporters ng vlogger lalo na noong isilang nito si Kidlat. Hindi na nawala sa comments section ang pagsasabi ng netizens na “Kasal na lang ang kulang”.

Ibinahagi ito mismo ni Viy sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang picture nila ni Cong kissing each other, habang naka-flex ang engagement ring.

“Yes love. Una pa lang alam ko na na ilkaw ang magiging asawa ko,” saad ni Viy sa caption.

2015 nang maging magkasintahan ang kapwa vlogger, at after seven years, ito na, engaged na nga sila.

Congrats, Viy and Cong! Paula Jonabelle Ignacio