VK sa Caloocan Manipulado

VK sa Caloocan Manipulado

July 9, 2018 @ 7:01 AM 4 years ago


 

Sa Caloocan City, tatlo sa matitikas na video-karera ope­rator ang hindi man lamang hinuhuli ng Caloocan-PNP sa kabila ng “front” ang mga ito ng malawakang distribusyon ng illegal drugs sa  lungsod.

Sa Bagong Silang, Caloocan City, kilalang VK operator si alias LOTLOT na sina­sabing walang makapapasok sa kanyang teritoryo nang hindi magbibigay-pugay sa kanya.

Kontrolado lahat ni alias LOTLOT ang operasyon ng makina makina sa bu­ong nasasakupan ng barangay nito sa Bagong Silang kaya walang sinoman ang nakapapasok sa teritoryo nito.

Bukod sa nailatag na mga makina ni alias LOTLOT sa Bagong Silang, may balita na manipulado rin niya ang uma­noy distribusyon ng illegal drugs sa bawat pwesto nito.

Isang nagngangalang CYLVIA alias Manay naman ang may teritoryo sa Caloocan Proper. Manipulado rin niya ang operasyon ng sang­katerbang makina bukod pa ng iligal na droga.

Walang sinoman ang na­ngangahas sa pasukin ang teritoryo ni alias Manay dahil kontrolado nito ang PCP Block commander. Walang makalulusot na mga iligalista.

Sa Barangay Bagumbong, isang alias Ver ang  may hawak ng sandamakmak na makina sa at ang mga pulis mismo ng nasa­ing barangay ang nagsisilbing protektor ng mga video-karera nito.

Hindi kumikilos si Caloocan City Supt. Restituto Arcangel sa kabila ng naglipana ang mga video-karera at malawakang bentahan ng illegal drugs sa mga nasa­bing mga lugar .

SUGALAN SA BAGUIO CITY BUKAS NA NAMAN

Bukas naman ang pasugalan sa Cariño St. (Otek) ni Oldak.

Muli na namang pinag­kukulumpunan ito ng mga ma­nu­nugal kaya patuloy na naman ang kaliwa’t kanang nakawan dahil pagnana­kaw ang ginagawa ng mga talunang mga manunugal sa nasabing lugar .

Malaki raw ang ibinigay na lagay ni alias OLDAK sa barangay kapitan na may alias Agustin kaya tuloy na naman ang pasugalan nito.

Ang siste pa, si Mayor Mauricio DOMOGAN na naman ang ipinangmamalaki.

Alam mo ba ito, Mayor Mauricio Domogan?

o0o

Anomang puna o rekklamo i-text sa 0918927­4764, 0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected]­.com.

-JUAN DE SABOG