Vlogger accreditation sa Malakanyang, pag-aaralan pa ng PCO

Vlogger accreditation sa Malakanyang, pag-aaralan pa ng PCO

March 15, 2023 @ 4:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Masusing pinag-aaralan pa rin ng Presidential Communications Office (PCO) ang progama para i-accredit ang mga vloggers sa mga Malacañang coverages.

“Ang pag-aaccredit ng ating mga vloggers ay kasama sa ating mga programa na pinag-aaralan ngayon,” ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil  sa mga miyembro ng  Commission on Appointments nang isagawa ang kanyang  confirmation hearing.

“In time kapag nagkaroon na kami ng malawakang pag-aaral, ibibigay namin ang aming sagot with respect to that issue,” dagdag na wika ni Garafil.

Matatandaang, itinulak ni dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang accreditation ng mga vlogger sa Malakanyang.

Ang katuwiran nito ay bahagi ito ng kanilang prayoridad.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang naging papel ng mga vlogger sa panahon ng  presidential campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan ay may ilan ang nabigyan ng  priority access noong  panahon ng kanilang sorty.

Ang access sa Malacañang coverage o Palace events ay tradisyonal na limitado lamang sa mga journalists o mamamahayag mula sa TV at radio networks, online news outfits, at newspapers.

Samantala, taong 2017 nang payagan ni dating Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang accreditation ng piling social media users sa pamamagitan ng isang department order. Kris Jose