Volcanic debris mula Japan umabot sa Batanes

Volcanic debris mula Japan umabot sa Batanes

November 27, 2021 @ 12:10 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Umabot na sa Batanes ang ilang volcanic debris mula sa isang pumutok na bulkan sa Japan, batay sa ulat.

Kaugnay rito, hindi muna pinayagan ng provincial government ang paglangoy at iba pang aktibidad sa Maydangeb Beach at Hohmoren Cove sa Batanes.

Sinabi ng Phivolcs na ang pumice at volcanic ash ay nanggaling sa pumutok na Fukutoku-Okanoba Volcano sa Japan kamakailan.

Magiging sanhi naman umano ito ng abrasion at reduction of visibility sa dagat.  RNT/FGDC