Volcanic earthquake naitala sa Mayon

Volcanic earthquake naitala sa Mayon

October 9, 2022 @ 12:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng isang volcanic earthquake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon ayon sa 8 a.m. bulletin ng ahensya ngayong araw, Oktubre 9.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang ‘increased unrest’ sa bulkan mula nang itaas ito mula alert level 1 patungong alert level 2 nitong Biyernes.

Patuloy pa rin na nakikita ang crater glow ng Mayon at ang bunganga nito ay patuloy na kumakapal.

Nagbuga rin ng katamtamang dami ng plumes ang bulkan na tinangay sa direksyong west-southwest at southwest dahil sa hangin.

Nagpaalala naman ang Phivolcs sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer radius na Permanent Danger Zone ng Bulkang Mayon.

Bawal din umano ang pagpapalipad ng eroplano malapit dito. RNT/JGC