Volcanic quake naitala sa Bulkang Mayon – Phivolcs

Volcanic quake naitala sa Bulkang Mayon – Phivolcs

February 20, 2023 @ 11:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Mayon Volcano sa Albay ng isang volcanic earthquake at dalawang rockfall events sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Binago ng PHIVOLCS ang nauna nitong bulletin kung saan naunang makikita na may 21 volcanic earthquakes.

Kasalukuyang umiiral ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Mayon Volcano.

Sinabi ng PHIVOLCS na naobserbahan ang faint crater glow sa telescope.

Maykabuuang 294 tonnes ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Sabado.

Umakyat naman ang moderate plumes hanggang 200 metro patungo sa kanlurang direksyon.

Nananatiling inlfated ang volcano edifice.

Binigyang-diin ng PHIVOLCS na ipinagbabawal ang paglapit sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.

Gayundin, hindi pinapayag ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa Mayon Volcano.

Nagbabala ang PHIVOLCS ng sudden steam-driven o phreatic eruption, rockfall o landslideĀ  o avalanche, at lahar kapag umulan nang malakas. RNT/SA