Voluntary drug tests sa college athletes, ipinanukala sa pagwawala ni Amores

Voluntary drug tests sa college athletes, ipinanukala sa pagwawala ni Amores

November 10, 2022 @ 6:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinanukala ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na isailalim sa voluntary drug testing ang mga atleta sa mga unibersidad kasunod ng viral na panununtok ng manlalaro ng Jose Rizal University (JRU) na si John Amores.

“It appears that kid (Amores) has some anger issues,” sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs nitong Huwebes, Nobyembre 10.

“In that light, all athletes in the UAAP and NCAA must undergo voluntary drug testing,” dagdag pa niya.

Hindi na nagbigay pa ng mas malalim na detalye si Barbers kaugnay ng kanyang suhestyon.

Matatandaan na sa huling laban ng JRU ay nag-init si Amores at pinagsusuntok ang manlalaro ng kalaban na St. Benilde Blazers na si Jimboy Pasturan at Taine Davis sa huling bahagi ng laro. RNT/JGC