Vote buying bantay-sarado ng Task Force Kontra-Bigay sa Bulacan

Vote buying bantay-sarado ng Task Force Kontra-Bigay sa Bulacan

May 8, 2022 @ 12:10 PM 2 months ago


BULACAN – Ipinag-utos ni Bulacan Police  PCOL Charlie Cabradilla ang agarang paglulunsad nang Task Force “Kontra-bigay” na  sumbungan ng publiko sa posibleng mangyaring vote buying ngayong eleksyon.

Ang Task Force ay binubuo ng isang team na pamumunuan ng Comelec officer, NAMFREL at media.

Napag-alamang ang Task Force ay bubuuin sa lahat o 24 istasyon ng pulisya sa lalawigan na magsisilbing reaction team para sa mga sumbong hinggil sa vote buying.

Kaugnay nito,isa sa agad na bumuo ng team ay ang Norzagaray police station sa pangunguna ni PLTCOL Cresenciano Cordero.

Ayon kay Cordero,ang pulisya ay reresponde sa mga sumbong tungkol vote buying na patas,magalang,unipormado gamit ang patrol o marked vehicle at kasama ang buong team na magsisilbing witness na rin.

Inaasahang ang presensiya ng mga pulis sa lalawigan partikular sa mga matataong lugar para magbantay sa naka-ambang vote buying,para sa mapayapang halalan at pa na rin sa katahimikan ng publiko. Dick Mirasol III