Vote buying gamit e-money sinosolusyunan na ng Comelec

Vote buying gamit e-money sinosolusyunan na ng Comelec

February 9, 2022 @ 9:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.

“Wala pa tayong (We still have no) concrete agreements with different wallets but we’re trying to get something done,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez sa online press briefing.

Ang problema sa pagsubaybay sa mga e-money transfers, ayon kay Jimenez, ay medyo mahirap ayusin ang katotohanan na halos walang patunay sa naturang maling gawain

“How can you prove that your particular use of an e-wallet is for criminal purposes,” wika nito.

Binanggit din ni Jimenez na ang pagbibigay ng pera sa isang sulok ng kalye ay ibang senaryo sa e-payment.

“It’s a little trickier so the problem there is to first define the criminal activity,” sabi pa ni Jimenez.

“When you are talking about e-payment systems, that’s still very complicated. We’re still working on it,” dagdag nito

Ang e-money transfer ay naging talamak sa panahon ng pandemya kung saan ilang pamahalaang lokal din ang gumamit ng e-money transfer para mamahagi ng ayuda.

Sinabi pa ni Jimenez na ang depinisyon ng vote-buying ay talagang nagsasabi na iyon ay ang pagpapalitan ng halaga para sa pangako ng isang boto

“Traditionally, vote-buying is considered to be an Election Day activity, or if not Election Day itself, then definitely in close proximity to the day of elections,”

“But please remember that the definition of vote-buying does not specifically state that it only happens… days before elections.” pahayag pa ni Jimenez.

Sinabi ng tagapagsalita ng poll body na kung ang pagbili ng boto ay ginawa sa panahon ng halalan, “kung gayon ito ay maaaring maisip na isang posibleng paglabag sa pagbili ng boto.” Jocelyn Tabangcura-Domenden