Voter registration aarangkada sa Dec. 12, 2022 ‘gang Jan. 31, 2023

Voter registration aarangkada sa Dec. 12, 2022 ‘gang Jan. 31, 2023

November 30, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magsisimula ang voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre 12, 2022, ayon sa ulat nitong Miyerkules, base sa Commission on Elections (Comelec).

Gugulong ang rehistrasyon hanggang Enero 31, 2023.

Maaaring pumunta ang registrants sa opisina ng election officer o satellite registration sitessa kani-kanilang lugar mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kasado ang BSKE sa Oktubre 2023. RNT/SA