Voter registration itutuloy sa Dec. 12

Voter registration itutuloy sa Dec. 12

December 10, 2022 @ 5:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipagpapatuloy ang voter registration sa Lunes, Dec.12 at pinaalalahanan ng Commission on Elections ang publiko na samantalahin ang iskedyul dahil tatagal lamang ito ng mahigit isang buwan.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ang registration period ay hanggang Enero. 31, 2023, bilang paghahanda sa December 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ang mga kuwalipikadong botante ay maaring bumisita sa Comelec office kanilang syudad mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Mayroon aniyang tatlong mall’s sa National Capital Region (NCR) na pagdarausan ng pilot test ng Register Anywhere Project (RAP) bukod sa limang malls pa sa Metro Manila na maaring tumanggap ng mga kulipikadong aplikante.

Ito ay gagawin tuwing Sabado at Linggo lamang sa pagitan ng Dec.7 hanggang Jan. 22, 2023 maliban sa Dec. 24, 25 at 31, 2022 at Jan. 1, 2023.

“The RAP Pilot Test will be conducted at the following sites: SM Mall of Asia (Pasay City), SM Fairview (Quezon City), SM Southmall (Las Piñas City), Robinson’s Place Manila and Robinson’s Galleria (Quezon City),” pahayag ni Laudiangco.

“Additional RAP sites for those who are temporarily in the following areas but want to register and vote in their respective towns and cities outside of these areas, Robinson’s Mall Tacloban, Barangay Baras Baras, Tacloban City; SM City Legazpi, Imelda Roces Avenue, Zone 9, Barangay 37 Bitano, Legazpi City, Albay and Robinson’s Mall Naga, Naga City, Camarines Sur,” dagdag niya.

Bukod sa mga malls, maaari ring magparehistro ang mga aplikante sa Senado sa Pasay City sa Enero 25, 2023.

Bubuksan din ang RAP sa House of Representatives sa Quezon City at sa Government Service Insurance System (GSIS) Main Office sa Pasay City, bagama’t hindi pa natatapos ang schedule.

Inabisuhan naman ang publiko na tignan ang announcement sa Comelec’s website www.comelec.gov.ph and official social media pages (Facebook, Twitter, YouTube, Instagram, Tiktok).

“All types of applications will be accepted: new voter, transfer, reactivation, reinstatement, change/correction of entries, overseas to local registration regarding mall sites and its schedules,” ani Laudiangco.

Pinayuhan din ang mga aplikante na magdala ng kanilang valid proofs of identifications tulad ng National ID (PhilSys), passport, driver’s license, employment ID, student ID o library card na pirmado ng pamunuan ng eskuwelahan, college o unibersidad, Senior Citizens ID, PWD ID, Indigenous Peoples Certificate mula sa National Commission on Indigenous Peoples, at notarized Barangay Certification na may larawan at lagda ng aplikante.

Kailangan namang 18 pagtaas ang edad upang maging kuwalipikado bilang Barangay voters,Filipino na naninirahan sa Pilipinas ng halos isang taon, at naninirahan sa lugar kung saan siya magiging rehistrado nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang Araw ng Halalan.

Para sa SK voters, ang mga aplikante ay dapat isang Pilipino, nasa pagitan ng 15 hanggang 30 taong gulang, at naninirahan sa lugar kung saan siya magiging rehistrado nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang Araw ng Halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden