Voter registration sa MECQ areas ibinalik na – Comelec

Voter registration sa MECQ areas ibinalik na – Comelec

September 1, 2021 @ 11:31 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinayagan nang makapagsagawa ang mga lugar sa modified enhanced community quarantine ng voter registration, ayon sa desisyon ng Commission on Elections.

Sa anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez magsisimula ito sa Setymebre 6. Ang oras naman ng pagpaparehistro ay magsisimula alas-8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Pinayagan na rin ng Comelec en banc ang voter registration sa loob ng mga mall.

Dagdag pa ni Jimenez na nakatakdang ilabas ng poll body ang kumpletong impormasyon dito.

Tatagal ang voter registration hanggang September 30, 2021 na lamang.

Dati ay suspendido ang voter registration sa ilalim ng MECQ maging sa ECQ. RNT