Voters registration schedule, alamin!

Voters registration schedule, alamin!

December 6, 2022 @ 9:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng iskedyul para sa muling pagpapatuloy ng voter registration.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na magsisimula ang nais makaboto sa eleksyon sa bansa mula Disyembre 17 at magtatapos ito sa Enero 13 sa susunod na taon.

Bukas naman ang voter registration alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kasama ang holidays, maliban na lamang sa Disyembre 24 ,25, 31 at Enero 1.

Para naman sa SK voters, maaring magparehistro kung sila ay tutuntong na ng 15-anyos bago o sa araw mismo ng Oktubre 30, 2023.

Para naman sa regular voters, kung tutuntong naman ng 18-anyos bago o sa mismong Oktubrer 30, 2023, ay puwede na ring magpatala at magparehistro bilang botante.

Ayon pa sa Comelec, gagawin ang pilot ng Register Anywhere Project sa National Capital Region (NCR). Jocelyn Tabangcura-Domenden