Voting age sa New Zealand ibababa sa 16 anyos

Voting age sa New Zealand ibababa sa 16 anyos

November 22, 2022 @ 11:05 AM 5 days ago


NEW ZEALAND – Itinutulak ni Prime minister Jacinda Ardern ang batas na magpapababa sa 16 anyos ang edad para sa legal na makaboto sa eleksyon.

Ang nasabing hakbang ay matapos ideklara ng Korte Suprema ng New Zealand noong Lunes na ang “voting age of 18 inconsistent with the Bill of Rights Act”  ng bansa.

Nang maglaon, tinalakay ng Gabinete na pinamumunuan ni Ardern ang obserbasyon ng pinakamataas na hukuman at nagpasyang bumalangkas ng batas.

Ang anumang pagbabago sa pagpapababa sa edad ng pagboto sa New Zealand ay mangangailangan ng suporta ng hindi bababa sa tatlong-kapat ng kasalukuyang mga mambabatas, o isang mayoryang boto sa isang reperendum.

Ang New Zealand ay mayroong 120 miyembro sa parlyamento kung saan ang Labour Party ni Ardern ay mayroong 64 na upuan.

“If supported, it would not take effect for the next general election, with the Electoral Commission crucial to the process,” Ardern said.

“I cannot tell you currently how any member of this House will vote on this proposed law including Labor, as we’ve not met or discussed it as a caucus,” ani Ardern. RNT