Voting center sa Cotabato, pinasabugan

Voting center sa Cotabato, pinasabugan

May 9, 2022 @ 12:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinasabugan ang kalapit na daan ng isang voting center sa munisipalidad ng Kabacan, Cotabato ngayong araw ng Halalan 2022.

Nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng umaga.

Iniulat ni Kabacan Philippine National Police (PNP) chief Police Lieutenant Colonel John Miradel Calinga na isang improvised explosive device (IED) ang umano’y sumabog sa kahabaan ng Jose Abad Santos Street sa labasan ng Kabacan Pilot Central Elementary School, kung saan dumagsa ang mga botante para sa halalan.

Naantala ang botohan matapos marinig ng mga botante ang pagsabog.

Walang naiulat na sugatan, ngunit nagdulot ng pangamba sa mga botante dahil ang pagsabog ay malapit din sa isang pampublikong pamilihan sa Kabacan.

Sinabi ni Calinga na tinitingnan ng mga otoridad ang motibo ng pagkatakot sa mga suspek sa likod ng pagsabog. RNT