Voting hours palalawigin?

Voting hours palalawigin?

May 9, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maaring palawigin ang voting hours para sa national ang local elections.

Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa ilang mga precincts na mahaba pa rin ang pila ng mga botante sa ilang mga eskuwelahan.

Unang nang inihayag ng Comelec na ang voting hours lamang ay mula alas 6 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Gayunman, sinabi ni Comelec chair Saidamen Pangarungan na maaring palawigin ang voting hours.

“Ang batas pagdating ng 7:00 ng gabi, kung may mga tao pa na hindi nakakaboto, kailangan pabotohin ‘yun,” sabi ng opisyal.

“We can extend the voting hours up to the time we have accommodated everyone within the vicinity of that voting center.” dagdag pa nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden