VP bet Lito Atienza nakaboto na sa Manila

VP bet Lito Atienza nakaboto na sa Manila

May 9, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumoto na si vice presidential candidate House Deputy Speaker Lito Atienza nitong Lunes ng tanghali para sa Halalan 2022.

Bumoto si Atienza sa Rafael Palma Elementary School sa Manila.

Pinayagan si Atienza na bumoto sakay ng wheelchair sa labas ng polling precinct dahil nagpapagaling pa siya mula sa knee surgery.

Nakaboto na rin ang kanyang running-mate, na si presidential bet Senator Manny Pacquiao, sa Kiamba, Sarangani.

Kapwa sila tumatakbo sa ilalim ng Probinsya Muna Development Initiative o PROMDI. RNT/SA