VP bet Sara Duterte nakaboto na

VP bet Sara Duterte nakaboto na

May 9, 2022 @ 10:05 AM 2 months ago


DAVAO – Nakaboto na si Davao City Mayor at vice presidential bet Sara Duterte sa loob ng Daniel R Aguinaldo National High School sa kanyang bayan sa Davao City Lunes ng umaga.

Si Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay bumoto pasado alas-9 ng umaga.

Sa pambihirang pagkakataoon naman ay inilabas ang upuang ginamit ng presidential daughter at saka nilagdaan ang desk na ginamit niya sa pagboto.

Ganoon din ang ginawa ng kanyang ama matapos bumoto sa 2016 polls.

Si Duterte, running-mate ng survey frontrunner na si Bongbong Marcos, ang nanguna sa pinakabagong survey ng Pulse Asia. Nakakuha si Duterte-Carpio ng 55 percent rating, bumaba ng 1 puntos mula sa survey noong Marso ngunit mas mataas ng 37 puntos kaysa sa kanyang pinakamalapit na karibal na si Senate President Vicente Sotto III. Nananatili si Sotto sa pangalawang puwesto na may 18 porsyento. RNT