VP Duterte itinalagang presidente ng SE Asian education org

VP Duterte itinalagang presidente ng SE Asian education org

February 9, 2023 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naupo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) nitong Miyerkules.

Sa opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, si Duterte na kinatawan ng Pilipinas ang itinalagang pinuno ng  international agency mula sa Singapore.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Duterte ang member countries na umaksyon na at resolbahin ang mga umiiral na isyu sa ASEAN education systems.

“In all of these, one thing is clear: we need to act now. We cannot afford to waste more time,” giit niya.

“As education leaders, we cannot allow ASEAN children to miss out on the beauty and benefits of learning, and the wonders of being able to use it positively to impact ASEAN and the world,” dagdag ni Duterte.

Kinilala rin ni Duterte na “learning poverty has worsened,” batay sa UNICEF report kung saan nakasaad na mahigit kalahati ng1 edad 10 sa low at middle income nations ang hindi marunong magbasa at makaintindi ng kwento kahit pa bago magsimula ang pandemya.

Inilatag din ni Duterte ang “MATATAG” agenda kung saan kabilang ang mga inisyatiba para oagbutihin ang curriculums, pabilisin ang paghahatid ng basic education facilities at supplies, at pagsusulong ng inclusive education at mas mainam na suporta para sa mga guro.

“As the SEAMEO Council convenes today, I urge everyone to embrace the spirit of bayanihan, keeping in mind who is at the heart of the work that we do: our ASEAN learners,” pahayag ni Duterte.

Huling pinamunuan ng Pilipinas ang SEAMEO Council sa ilalim ng termino ni dating Education Secretary Bro. Armin Luistro noong 2010.

Ang SEAMEO ay isang international group na naglalayong pag-igihin ang “regional understanding and cooperation in education, science and culture for a better quality of life in Southeast Asia.”

Inaasahang pangungunahan ng Pilipinas ang council mula 2023 hanggang 2025. RNT/SA