VP Duterte: Karahasan vs elected officials, wakasan

VP Duterte: Karahasan vs elected officials, wakasan

March 10, 2023 @ 9:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Vice President Sara Duterte nitong Huwebes sa law enforcement authorities na wakasan ang serye ng mga pag-atake laban sa elected local government officials.

ā€œLet me take this opportunity to raise the urgent need for our law enforcement authorities to solve, to address, to put an end to the alarming string of violence perpetrated against elected officials,ā€ aniya sa ikalawang araw ng 2023 National Election Summit.

Noong March 4, napatay si Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Pamplona sa pag-atake kung saan walo pang indibidwal ang nasawi.

Sa nakalipas na apat na linggo, hindi bababa sa apat pang local officials ang nasugatan o napatay sa pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng bansa: noong February 17, nakaligtas si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. sa ambush sa Bukidnon kung saan napatay ang apat niyang kasama; noong February 19, napatay si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa sa ambush sa Bagabag, Nueva Vizcaya; noong February 22, nagtamo ng sugat si Datu Montawal, Maguindanao del Sur Mayor Ohto Caumbo Montawal matapos siyang barilin sa Pasay City; at noong February 26, patay sa pamamaril si Barangay San Carlos chairperson Vivencio Palo sa Lipa, Batangas.

ā€œThis spate of violence leaves not only a trail of death but also establishes a chilling climate of fear among the people. Worse, given the experiences of people elected into office, these acts of violence could potentially spawn more bloodbaths if perpetrators and those who masterminded them are not brought to justice,ā€ patuloy ni Duterte.

Iginiit niya na hindi sapat na kondenahin ang mga pag-atake, at hinikayat ang law enforcement authorities at iba pang government agencies na tiyakin na hindi na ito mauulit.

ā€œDapat po na may managot. Dapat may makulong. Dapat mahinto itong mga ganitong patayan,ā€ anang Vice President.

Tinawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes ang pagpatay kay Degamo na hindi katanggap-tanggap at nakakatakot, at sinigurong hindi ito palalampasin.

Ipinag-utos niya sa Department of the Interior and Local Government, maging sa kapulisan na tukuyin ang “hotspots” kasunod ng pagpatay sa local government officials. RNT/SA