VP Duterte: Learning poverty lumala sa pandemya

VP Duterte: Learning poverty lumala sa pandemya

February 9, 2023 @ 10:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – UMUPO na si Vice President and Education Secretary Sara Duterte bilang council president ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Araw ng Miyerkules, Pebrero 8 nang umupo si Duterte sa kanyang posisyon kasabay ng opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, kung saan ang Pilipinas ang papalit sa liderato ng organisasyon. Pinalitan ng Pilipinas ang Singapore.

Sa kanyang naging talumpati sa nasabing seremonya, tinukoy ni Duterte na lumala ang ā€œlearning povertyā€ sa panahon ng COVID-19 pandemic, dahilan para magambala at matigil ang pagpasok sa eskuwela.

Kaya ang panawagan ni Duterte sa mga member countries ay ā€œact now as we cannot afford to waste more time.ā€

ā€œAs education leaders, we cannot allow ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) children to miss out on the beauty and benefits of learning,ā€ ayon kay Duterte.

ā€œWe have a responsibility to them. The decisions we make today will help determine the quality of life in our countries, and in the entire ASEAN region,ā€ aniya pa rin.

Ang SEAMEO Council ayon sa Department of Education (DepEd) ay highest policy-making body ng organisasyon na kinabibilangan ng 11 member countries.

Ang Pilipinas ang kasalukuyang host ng SEAMEO council conference sa Maynila mula Pebrero 8, hanggang Pebrero 10, 2023.

Ang mga member countries ay Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

Ayon sa DepEd, “the council’s presidency is assumed by the member countries on a rotation basis in alphabetical order, unless a country requests to be skipped in the rotation.”

Inaasahan na pangungunahan ng Pilipinas ang konseho mula 2023 hanggang 2025. Kris Jose