VP Duterte: Pahayag sa transport strike, factual ‘di red tagging

VP Duterte: Pahayag sa transport strike, factual ‘di red tagging

March 7, 2023 @ 9:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang kanyang pahayag at sabihing ito’y “red tagging” sa ACT at public utility drivers na nakiisa sa tigil-pasada.

Tinawag kasi ni Duterte ang Piston bilang isang organisasyon “with leaders and members poisoned by the ideologies” ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front of the Philippines at New People’s Army .

Tinawag naman nito ang ACT bilang grupo na “diametrically nowhere near in the service of the interest of the learners and the education sector.”

“This is not red-tagging. This is a statement of fact,” giit ni Duterte.

Muling inulit nito na kontra ang gobyerno sa transport strike dahil ito’y “problematic” at makasasakit sa mga mag-aaral.

“If you cannot understand our position, or refuse to understand our position, or even pretend not to understand our position, this is only because of your unbelievable propensity to push a hardline agenda that punishes the general public,” ang wika ni Duterte. Kris Jose