VP-elect Sara Duterte dumalo sa thanksgiving Mass bago manumpa

VP-elect Sara Duterte dumalo sa thanksgiving Mass bago manumpa

June 19, 2022 @ 4:24 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Dumating si Vice President-elect Sara Duterte sa San Pedro Cathedral para sa isang thanksgiving Mass bago ang kanyang inauguration ceremony ng alas-4:30 ng hapon.

Nakasuot si Duterte ng berdeng Filipiniana gown at nakipag-selfie pa sa mga taga-suporta bago magsimula ang misa.

Nilikha ni Davao-based designer Silverio Anglacer ang kanyang kasuotan.

Manunumpa si Duterte ngayong araw bilang ika-15 bise Presidente ng Pilipinas sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Inaasahang darating ang ama ni Sara na si Pangulong Rodrigo Duterte, at kanyang running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inagurasyon. RNT/SA