VP Leni at Taylor Swift, magkikita sa NYU?

VP Leni at Taylor Swift, magkikita sa NYU?

May 15, 2022 @ 9:19 AM 1 week ago


New York, USA – May panawagan ang mga supporters ng outgoing vice president Leni Robredo sa award-winning singer songwriter na si Taylor Swift sa social media platform na Twitter.

Ito ay sa gitna ng mainit na usapin ng election 2022 kung saan ay tinalo ni former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si VP Leni sa presidential race.

Kung matatandaan ay naging political anthem ng mga Kakampink ang “Only The Young” na kantang sinulat ni Taylor.

Pupunta ng US si VP Leni para um-attend ng graduation ng bunsong anak na si Jillian Robredo sa New York University where Taylor is invited as guest speaker and is also set to receive an honorary doctorate in fine arts.

VP Leni and her kids are self-confessed Swifties kaya naman panawagan ng fans kay Taylor ay i-meet and greet and dalawa. A username @Benggadora08 wrote on Twitter,

“hi @taylorswift13. the philippines’ vice president, @lenirobredo, will be attending her daughter’s nyu graduation where you’ll be delivering your commencement speech. she went through a lot as a woman fighting for the soul of our country. she’s a fan. i hope you meet her. Please.”

Ang nasabing tweet ay mayroon nang 123.2k likes, 21.2k retweets, and 2.4k quoted retweets as of press writing. Makarating kaya ang panawagan na ito kay Taylor? Mangyari kaya ang pagkikitang ito?

‘Yan ang dapat nating abangan! Paula Jonabelle Ignacio