VP Leni kay Isko: Hindi ko siya papatulan

VP Leni kay Isko: Hindi ko siya papatulan

April 21, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes na ayaw niyang makipag-away kay Manila Mayor Isko Moreno, na nanawagang iatras ang kanyang presidential bid.

“Ako, again uulitin ko, hindi ko siya papatulan,” sabi ni Robredo.

“Dahil hindi naman ito simpleng laban lang naming dalawa. Laban ito ng bayan natin. May mas malaking laban na kailangan nating panalunin. Gaya ng sinabi ko kanina, extraordinary ang eleksyon na ito,” dagdag pa niya.

Sa joint Easter Sunday press conference kasama ang kapwa presidential candidates na sina Senator Panfilo Lacson at dating Defense secretary Norberto Gonzales, umapela si Moreno na umatras na sa presidential race si Robredo. RNT/SA