Incompetence.
Ito ang rason ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t malabong maging Pangulo ng bansa si Vice-President Leni Robredo.
Sa isang ambush interview matapos ang National Micro Small and Medium Enterprise Summit 2018 ASEAN Convention Center, Clark Freeport Zone, Pampanga ay sinabi nito na kumbinsido siyang hindi kaya ni VP Leni na pamunuan ang bansa.
“Siya,I don’t think she can ever be ready to govern our country. She is not capable of running a country like the Philippines,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, sinabi pa ng Chief Executive na hindi siya magbibitiw sa puwesto para gawing Pangulo ng bansa si Vice-President Leni Robredo.
Kung pabor man aniya siya sa transitory government at handang iwan ang kanyang posisyon kahit hindi pa tapos ang kanyang termino ay sinabi nito na nais niyang bigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makapamili ng gusto ng mga ito na maging lider ng bansa. (Kris Jose)