VP may mungkahi kay Roque sa COVID-19 response

VP may mungkahi kay Roque sa COVID-19 response

July 12, 2020 @ 3:17 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpadala ng liham si Vice President Leni Robredo kay presidential spokesperson Harry Roque na naglalaman ng kanyang mga mungkahi para sa posibleng response ng gobyerno sa coronavirus pandemic.

Batay kay Robredo, nakapaloob sa liham ang kapakanan ng local stranded individuals (LSIs) to sa testing program at ang ulat ng Department of Health (DoH) na “fresh” at “late” classification system sa COVID-19 cases.

”Lahat ng suggestions ko sinulat ko. Natutuwa ako kasi mayroong mga iba na mukhang kino-consider naman,” aniya.

Inirekomenda rin ng bise na dapat maging sakop ng bibilhin 10 milyong testing kits ang LSIs.

“Mayroong minemention si Secretary (Vince) Dizon na mga itetest pero hindi ko nakikita doon iyong mga stranded. Sana maisali, kabahagi din ito ng ating sulat,” aniya.

Iminungkahi rin ni sa liham na magpatupad ng service contracting kaysa boundary system sa jeepney drivers na apektado ng coronavirus pandemic.

“Kasi kung boundary system, lugi iyong mga drivers natin. Gawin na lang service contracting kasi para kahit hindi puno iyong dyip mayroong kita,” hayag pa ng bise. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...