VP out, SP in sa papalit na presidente sa draft consti ng Federal Government

VP out, SP in sa papalit na presidente sa draft consti ng Federal Government

October 9, 2018 @ 3:25 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ang Senate President at hindi ang Vice President ang uupong Presidente sakaling hindi na makayanan o kung ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na umupong pangulo sa transition government tungo sa bagong federal government.

Ito ang nakapaloob sa draft constitution na ngayon ay inilalatag na sa plenaryo para maipasa ngayong 17th Congress at maratipika sa May 2019 at maisagawa ang unang eleksyon ng May 2022 sa ilalim ng sistemang Federal.

Naipasa na ito sa House committee on Constitutional Amendments at iniakyat na sa plenaryo para sa kunsiderasyon ng 2nd reading.

Nakapaloob sa Section 4, Article XVII ng  Resolution of Both Houses No. 15, hindi ang hindi ang Vice President ang uupong presiding president kundi ang Senate President sakaling umayaw na si Pangulong Duterte o matanggal sa pagitan ng 2019 at 2022.

Ngunit nang isinalang ito sa plenaryo ay agad hinarang ang oposisyon.

Natigil ang deliberasyon nito sa plenaryo nitong Lunes, October 8 nang kwestyunin ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang kawalan ng korum.

Isinasaad sa Section 4 na “In case a vacancy arises by reason of removal, resignation, permanent incapacity or death of the incumbent President, the incumbent Senate President shall act as President until a President shall have been chosen and qualified.”

Kaya ang Senate President ang posibleng papalit sa pangulo batay sa RBH draft ay dahil wala pang katiyakan ang protesta ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Leyte Rep. Vicente Veloso, chairman ng Committee on Constitutional Amendments na hindi si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang makikinabang sa isyung ito kundi ito ay pagsunod lamang sa mga panukalang isinusulong ni Pangulong Duterte.

Aniya nagkataon lamang na si GMA ang Speaker ngunit ang panukalang pagpapalit ng kunstitusyon ay dalawang taon ng tinatalakay sa Kamara sa pamamagitan ng PDP-Laban draft, sumunod ang Gonzales-de Vera draft ngunit higit aniyang pinagtuunan ng pag-aaral ng komite ay ang Constitutional Committee na pinamunuan ni dating Supreme Court chief Justice Puno.

“It is unfair for anybody to claim that this is designed to address the political concerns of Speaker Arroyo. This is not an Arroyo draft.  Speaker GMA has been with us as speaker only for about two months and it was former Speaker Bebot Alvarez who is really pushing for the federalism thing,” ani Veloso.

Kasabay nito ay tiniyak nina Veloso at Negros Occiedental Rep. Alfredo Benitez na tatapusin nila ang pagtalakay sa cha-cha bago mag-adjourn ang 17th Congress. (Meliza Maluntag)