VP Sara bibisita sa Bataan sa pagbubukas ng school year 2022-23

VP Sara bibisita sa Bataan sa pagbubukas ng school year 2022-23

August 21, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang pagbisita ni Vice President Sara Duterte, Kalihim ng Department of Education (DepEd) Secretary sa lalawigan ng Bataan para sa unang araw ng klase ng School Year (SY) 2022-2023.

Gaya ng anunsyo ng DepEd, nakatakdang bisitahin ni Duterte ang Dinalupihan Elementary School sa Bataan sa school opening day na nakatakda, bukas, Agosto 22 para sa public schools nationwide.

Ang pagbisita ni Duterte sa Dinalupihan ES ay bahagi ng National School Opening Day Program (NSODP) na iho-host ng Schools Division Office (SDO) ng Bataan.

Inaasahan naman na magbibigay ng kanyang mensahe si Duterte ukol sa kahandaan ng DepEd para sa bagong school year at maging paghingi ng suporta mula sa education stakeholders para sa tagumpay ng school opening.

Ang NSODP ay bahagi ng 2022 OBE na naglalayong “feature school opening activities and OBE initiatives.” Kris Jose