VP Sara ‘caretaker’ ng bansa habang nasa Tsina si PBBM

VP Sara ‘caretaker’ ng bansa habang nasa Tsina si PBBM

January 3, 2023 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na si Vice President Sarah Duterte ang tatayong caretaker ng bansa habang nasa state visit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China.

Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil, pareho pa rin ang magiging set up gaya ng ipinatupad sa mga nakaraang out of the country trip ni Pangulong Marcos kung saan ang Pangalawang Pangulo ang pansamantalang magtitimon sa pangangasiwa sa bansa.

Samantala, sa kanyang departure speech, sinabi naman ni Pangulong Marcos na mawawala siya sa bansa ng 48 oras para sa kanyang kauna-unahang bilateral visit sa isang non-ASEAN country.

Sa kabilang dako, batay sa itinatakda ng Salitang Batas, maaaring umakto para o sa ngalan ng Pangulo ang Bise Presidente maliban na lamang sa ilang bagay na tanging ang Pangulo lamang ng Republika ang pinapahintulutan ng batas. Kris Jose