VP Sara caretaker ng bansa sa paglipad ni PBBM pa-Thailand

VP Sara caretaker ng bansa sa paglipad ni PBBM pa-Thailand

November 17, 2022 @ 12:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Si Vice President at Education Secretary Sara Duterte muna ang inatasan na maging tagapangasiwa o caretaker ng bansa habang nasa Thailand si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary Honey Rose Mercado kung saan si Duterte muna ang mangangasiwa sa pamahalaan hanggang sa Sabado, Nobyembre 19 habang nasa Thailand ang Pangulo.

Matatandaan na Miyerkules ng gabi, Nobyembre 16 ay dumating na si Marcos sa Bangkok para sa APEC summit.

Inaasahan na makikipagpulong ang Pangulo sa 20 iba pang lider ng mga bansa tulad ng United States, China, Japan, Australia at China.

“Ang dala natin sa ganitong klaseng mga summit at mga meeting ay ang ating pangarap para sa magandang buhay. This is what we aspire for — a peaceful, prosperous Asia-Pacific region,” pahayag ni Marcos bago lumipad patungong Thailand.

“We have already gone through a lot but we do not waver on our dream, ang ating pangarap na wala nang ginugutom na Pilipino and we will achieve the upper-middle income Philippines,” aniya. RNT/JGC