VP Sara dumalaw sa Navotas, namigay ng gift packs

VP Sara dumalaw sa Navotas, namigay ng gift packs

October 5, 2022 @ 6:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mainit na tinanggap ni Navotas Congressman Toby Tiangco at mga Navoteño ang pagbisita ni Vice President Inday Sara Duterte.

Nagtungo ang Pangalawang Pangulo sa Brgy. Tangos upang magpaabot ng pasasalamat sa mga residente ng barangay.

Nasa 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng gift packs na naglalaman ng face masks, alcohol, mosquito repellent, school supplies, at food items tulad ng spaghetti pasta, spaghetti sauce, chocolate soy milk at mga biscuit. Jojo Rabulan