VP Sara dumalo sa 120th anniversary celebration ng DepEd – Tarlac

VP Sara dumalo sa 120th anniversary celebration ng DepEd – Tarlac

November 17, 2022 @ 5:11 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinagawa ang selebrasyon ng 120th Founding Anniversary ng Department of Education Schools – Division of the Province of Tarlac kung saan dinaluhan ito mismo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Maliban dito, dumalo rin si Duterte sa pagdiriwang ng Belenismo sa Tarlac sa Armor Division, Camp O’ Dannel, Capas, at sa Northern Luzon Command (NOLCOM) sa San Miguel, Tarlac.

Kasama ng Tarlac Heritage Foundation at ng Philippine Army, ay naghandog ito ng mga noche buena packs at school supplies sa mga benepisyaryo ng iba’t ibang munisipalidad sa probinsya ng Tarlac.

Nagsagawa rin ng candy cane story telling session na mismong si Duterte pa ang nagturo sa mga bata para maibahagi sa kanila ang kwento ng diwa ng pasko.

Kuha ni Val Leonardo.