VP Sara, inupakan ni Hontiveros sa rebranding ng Martial Law

VP Sara, inupakan ni Hontiveros sa rebranding ng Martial Law

October 24, 2022 @ 5:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lantarang inupakan ni Senador Risa Hontiveros si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isinasagawang rebranding ng Martial Law bilang “Bagong Lipunan” sa deklarasyon ng Presidential Decree No. 1081 noong 1972.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na hindi dapat ito pinahihintulutan ng Department of Education (DepEd) dahil ito ay pagbabaluktot ng tunay na kasaysayan partikular ang idineklarang Martial Law ng ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagpabagsak sa ekonomiya.

“Let’s take it straight from the horse’s mouth. In issuing Presidential Decree 1081, then-President Ferdinand E. Marcos, Sr. placed “the country under a state of Martial Law.” Not a New Society. Not anything else. Martial Law,” giit ni Hontiveros.

“DepEd should not be an enabler of Martial Law rebranding,” aniya pa.

Sinabi ni Hontiveros na puro kasinungalingan ang ipapalaganap ng DepEd kung itutuloy ang rebranding ng Martial Law bilang “new society” na taliwas sa adhikain ng ahensiya na magturo ng katotohanan at kumpletong pangyayari ng ating kasaysayan.

“The continued existence of school material that one-sidedly frames the Martial Law period as a “New Society” is a blatant failure of our education authority to ensure the truthful, factual and complete historical narration of the Marcos dictatorship, and instead enables its propaganda,” aniya.

Iginiit ni Hontiveros na kinikilala ng Estado ang deklarasyon ng Martial Law na naging sanhi ng paghihirap, pagpigil, pagkasira at malawakang paglabag sa karapatang pantao.

“The State, through RA 10368, already acknowledged the suffering, deprivation, damage and gross human rights violations inflicted during the Marcos dictatorship,” paliwanag niya.

“Tungkulin ng DepEd, pati ng CHED, na ituro ang katotohanan, anuman ang paksa. Lies are not education; they are propaganda. Lies are already undoing our society,” dagdag ng Senador.

Aniya, obligasyon ng lahat na maging mapagmatyag laban sa dahan-dahan at paunti-unting pagbaluktot sa kasaysayan sa alaala ng mga nanguna sa pagtutol sa diktadurya, gaya ng lola ng DepEd Secretary sa Davao, at lalo’t higit sa mga nagbuwis ng buhay para ibalik ang demokrasya sa bansa. Ernie Reyes