VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM

VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM

September 4, 2022 @ 11:02 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) sa Pinas habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022.

Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng OIC para siyang mangalaga sa day-to-day operations ng Office of the President (OP).

Bukod pa rito, ang OIC ang mangangasiwa sa general administration ng Executive Department.

Kaya nga, ipinag-utos ng Pangulo kay VP Sara na umakto bilang OIC at kung kinakailangan, “act for and on behalf of the President, except on matters that the President is required by the Constituion to act in person, during the time that the Presidnet is outside the Republic of the Philippine from 04-07 September 2022.”

Tutulungan naman ng lahat ng departmento, ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng gobyerno si VP Sara sa lahat ng gagawin nito.

Ang lahat ng magiging hakbang ni VP Sara alinsunod sa nasabing kautusan ay maituturing na pag-akto ng Pangulo maliban na lamang kung “disapproved o reprobated” ng Pangulo.

Ang nasabing kautusan ay nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez. Kris Jose