VP Sara may bagong spox

VP Sara may bagong spox

June 21, 2022 @ 11:38 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Papalitan ni Attorney Reynold Munsayac si incoming Tourism Secretary Christina Frasco bilang tagapagsalita ni Vice President-elect Sara Duterte.

Nitong Martes, sinabi ng kampo ni Duterte na magkaklase sa law school sina Vice President-elect at Munsayac. Tinulungan din ni Munsayac si Duterte sa pagtatatag ng Tapang at Malasakit noong 2017.

Taong 2021 nang magbitiw si Munsayac bilang commissioner at acting chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) para tumulong sa kampanya ni Duterte.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Duterte kay Frasco para sa kanyang “tulong sa napapanahon at epektibong komunikasyon ng kanyang mga mensahe sa mga Pilipino sa pamamagitan ng media.”

“She was committed to the truthful dissemination of information, and her duty as the spokesperson was marked with intelligence and grace,”

“Inday Sara wishes the incoming Secretary of the Department of Tourism Frasco all the best in her new role in nation building,” dagdag nito. RNT