VP Sara, Mayor Zamora nag-inspeksyon sa paaralan sa San Juan

VP Sara, Mayor Zamora nag-inspeksyon sa paaralan sa San Juan

December 13, 2022 @ 2:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binisita nina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at San Juan City Mayor Francis Zamora ang Pinaglabanan Elementary School upang inspeksyunin ang kanilang pasilipad, partikular na ang libreng fiber optic internet connection at smart TVs sa mga silid-aralan mula sa lokal na pamahalaan.

Bahagi ito ng pagsisikap ng local government unit sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Lahat ng 13 pampublikong paaralan sa lungsod ay bibigyan ng fiber optic internet connection at WiFi sa lahat ng mga silid-aralan at common areas sa mga paaralan maging 55-inch smart TVs. Danny Querubin