VP Sara muling nanawagan sa unvaxxed DepEd personnel

VP Sara muling nanawagan sa unvaxxed DepEd personnel

August 2, 2022 @ 10:28 AM 7 days ago


MANILA, Philippines- Sa paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa full resumption ng face-to-face classes sa darating na school year, muling nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa unvaccinated personnel ng ahensya na magpabakuna na laban sa COVID-19.

“I continually call on our teaching and non-teaching unvaccinated Department of Education personnel to go to counseling and consider, reconsider your decision about vaccination,” ani Duterte said sa national kick-off ng 2022 “Brigada Eskwela” nitong Lunes sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite.

Sinabi rin ni Duterte na upang tugunan ang valid concerns sa COVID-19 transmission, naglatag din ang DepEd ng “measures that will serve as our guide to prevent our children from contracting the virus.”

Naglabas ang DepEd nitong Hulyo ng alituntunin sa School Calendar and Activities for School Year (SY) 2022-2023 sa ilalim ng pagsusulong nito ng pagbabalik ng limang araw na in-person classes.

Batay sa DepEd Order No. 034 series of 2022, ang simula ng klase para sa SY ay sa Agosto 22, na bubuuin ng 203 school days at magtatapos ang SY 2022-2023 sa Hulyo 7, 2023.

Nagbigay din ang DepEd ng direksyon at gabay sa muling pagbubukas ng klase at unti-unting introduksyon ng limang araw na in-person learning modality classes.

Nakasaad sa DO 034, sinabi ng DepEd na “there will be no inspections, tools, or any additional requirements to re-open schools and implement five (5) days of in-person classes will be required, except for the compliance with the usual pre-pandemic regulatory permits and licenses, as required by law or ordinances.”

Samantala, inilahad lamang ng DepEd bilang opsyon ang limang araw na in-person classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Matapos ang tatlong buwang transisyon, inihayag ng DepEd na “all public and private schools shall have transitioned to 5 days of in-person classes” pagsapit ng Nobyembre 2, 2022.

Iginiit ng DepEd na “no school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning” maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes alinsunod sa Policy Guidelines sa K to 12 Basic Education Program and Revised Policy Guidelines sa Homeschooling Program.

Hinggil sa school opening, sinabi ng DepEd na ang implementasyon ng guidelines sa School Calendar and Activities for SY 2022-2023 ay para sa public at private elementary at secondary schools, kabilang ang Community Learning Centers (CLCs) sa buong bansa.

Inihayag ng DepEd na ang private schools, state/local universities, at colleges ay pwedeng ipatupad ang calendar. “They may also start classes not earlier than the first Monday of June and not later than the last day of August,” dagdag ng DepEd.

Nagsimula ang enrollment para sa SY 2022-2023 noong Hulyo 25 at matatapos sa Agosto 22.

Samantala, kinilala naman ni Duterte ang kontribusyon ng ilang education stakeholders tupang matiyak ang matagumpay na pagbubukas ng bagong school year.

“Dahil sa inyong pagsusumikap, suporta, at pagmamahal sa bayan, kaya magiging matagumpay ang pagbubukas natin ng bagong school year at pagpapatupad natin ng mga proyekto at programa sa DepEd, isa na diyan ang in-person learning para sa ating mga anak,” pahayag ni Duterte. RNT/SA