VP Sara nagbigay-parangal kay late China president Jiang Zemin

VP Sara nagbigay-parangal kay late China president Jiang Zemin

December 6, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang achievements ni late former Chinese President Jiang Zemin, partikular na ang kanyang legasiya sa pamumuno.

Inihayag ito ni Duterte nitong Lunes sa kanyang pagbisita sa Embassy of the People’s Republic of China sa Makati City, kung saan nagbigay-galang siya kasunod ng pagpanaw ni Jiang nitong nakaraang linggo.

Sa mensahe, isinulat ni Duterte ang pagkilala niya sa mga pagsisikap ni Jiang “to fortify the relationship between the Philippines and China.”

“He leaves behind a legacy of leadership, wisdom, and distinguished public service. I join the Filipino people in celebrating his achievements in origin closer bilateral ties between the Philippines and China,” sabi niya.

Binanggit niya ang ilan sa mga legasiyang ito kabilang ang economic at political influence ni Jiang na dahilan ng mas maigting na pag-uugnayan ng China at ibang bansa.

 “His outstanding contribution and effective governance led to China’s economic transformation and deeper engagement with the broader international community,” sabi ni Duterte.

“I wish to offer deepest and heartfelt condolences on the passing of former Chinese President Jiang Zemin. President Jiang was a visionary leader who dedicated his life and works to his country and people,” ani Duterte.

Iniulat ng state media ng China na pumanaw si Jiang sa edad na 96 noong Nobyembre 30, kasunod ng serye ng medical treatments para sa leukemia at multiple organ failure.

Nauna nang naghayag ng pakikidalamhati sina Chinese President Xi Jinping at iba pang Chinese leaders sa dating pinuno, at kinilala ang kanyang dedikasyon sa “independence, prosperity, and happiness” ng bansa. RNT/SA