VP Sara nakakuha ng excellent satisfaction rating sa SWS survey

VP Sara nakakuha ng excellent satisfaction rating sa SWS survey

February 27, 2023 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakakuha ng “excellent” satisfaction rating si Vice President Sara Duterte sa survey na isinagawa ng Social Weather Systems (SWS) noong Disyembre.

Ayon sa SWS nitong Lunes, Pebrero 27, ang non-commissioned survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022 ay nagpakita na 83% ng mga respondents ay kuntento sa ipinapakitang performance ng bise-presidente.

Mayroong 1,200 adult respondents ang face-to-face interview ng survey na may tig-300 partisipante sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Si Duterte ay nakakuha ng net satisfaction na +77 makaraang 83 percent ng mga respondents ay nagsabing satisfied sila sa performance ni Duterte, habang 5% lamang ang nagsabing hindi sila nasiyahan.

Dahil dito, kumakatawan ang 83% ng “excellent” rating (+ 70 and above), pinakamataas sa Mindanao sa +96, sinundan ng Visayas sa +74, Metro Manila sa +73, at Balance Luzon sa +71.

Nananatiling “excellent” din si Duterte sa lahat ng demographics, o mula +74 hanggang +80 — maliban na lamang sa mga college graduate kung saan nakakuha siya ng “very good” satisfaction rate makaraan itong bumaba sa +66 mula sa dating +74.

Samantala, nakakuha ng “good” net satisfaction rating si Senate President Juan Miguel Zubiri sa +47, kung saan 58 percent ang satisfied at 10 percent ng respondents ang dissatisfied.

Nakakuha rin ng “good” satisfaction rate sa +37 si Speaker Martin Romualdez, at “moderate” net satisfaction rating si Chief Justice Alexander Gesmundo sa +24.

Ayon sa SWS, ang sampling error margins sa naturang sruvey ay ±2.8% para sa national percentages at ±5.7% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/JGC